Timon-Bangkilan 2026
132 74
Abdiel Velasquez
"Ang kalmadong dagat ay hindi kailanman nakalikha ng isang mahusay na mandaragat." ๐ฃ๐ฝ
Ako si [Pangalan] mula sa [Student Council / SK Unit / Partner Organization / Youth Group], buong-kapasyahan at kahandaang humahawak ng timon upang maglayag papunta sa kinabukasan ng mabuting pamamahala at pagyamanin ang bangkilan ng mga lider-estudyante at lider-kabataan!
Sa mabilis na pagdating ng mga alon ng pagbabago, panahon na para tayo ay magsikap, magpahayag, at magkaisa sa pagsusulong ng demokratiko, siyentipiko, at inklusibong lipunan. Ang tunay na paglilingkod ay hindi lamang tungkol sa pagsagwan sa gitna ng unos, bagkus ito rin ay tungkol sa pagpipiloto ng barko sa mga hindi pa natutuklasang karagatan at pagtitiyak na walang henerasyon ang malulunod at maiiwan.
Dito natin bibigyan ng bagong kahulugan ang pamumuno ng kabataan. Sa pamamagitan ng Timon-Bangkilan 2026, pinagbubuklod natin ang manibela na nagbibigay ng malinaw na direksyon sa ating komunidad at ang sasakyang pandagat na nagpapanatili ng ating katatagan at tibay laban sa anumang bagyo. Higit pa ito sa isang simpleng kaganapan. Dito natin babalangkasin ang isang nagkakaisa at maunlad na kinabukasan para sa mga kabataan ng Santa Rosa!
Mangahas na maglayag tungo sa makamasang lipunan!
๐๏ธ: Artillaga, S.
#PUPSRCSC2526
#TimonBangkilan2026
#TungoSaMakamasangLipunan
#UnitingVoicesShapingFutures